GMA Logo Meryll Soriano
What's Hot

Meryll Soriano on accepting new show 'Delivery Boi:' 'Miss na miss ko na ang comedy'

By Dianne Mariano
Published May 27, 2026 4:19 PM PHT

Around GMA

Around GMA

PH, Israel explore partnership on AI, minerals; free trade agreement talks begin
Raps filed vs brothers who stole streetlight bulbs in Iloilo town
New beachfront hotel to rise in Panglao

Article Inside Page


Showbiz News

Meryll Soriano


Excited na ang seasoned actress na si Meryll Soriano na makasama ang kanyang co-stars sa upcoming Kapuso series na 'Delivery Boi.'

Kabilang ang premyadong aktres na si Meryll Soriano sa powerhouse cast ng upcoming Kapuso drama comedy series na Delivery Boi.

Sa interview ng GMANetwork.com kay Meryll sa naganap na story conference kamakailan, ibinahagi ng versatile star ang kanyang excitement sa mga makakasama niya sa naturang serye.

“I'm just so happy na good vibes ang aming show, ang Delivery Boi, at we will deliver happiness sa afternoon audience. And I'm so excited na makakasama ko 'yung cast, may mga nakasama na ako dati na ngayon lang kami nagkita at may mga bagong mga bata na makakasama ko, especially 'yung anak kong si Will,” pagbabahagi niya.

Kwento pa ni Meryll, miss na miss niya ang komedya kung kaya't tinanggap niya ang bagong proyekto.

Aniya, “Siguro dahil feel-good. Nandoon ako sa gusto ko 'yun ang maparating ng boses ko as an actor and as a mom. And comedy siya, 'yun talaga 'yung nagpa-[oo] sa akin kasi miss na miss ko na ang comedy.”

Ang Delivery Boi ay pinangungunahan ng Sparkle actor na si Will Ashley.

Bukod kay Meryll, kabilang din sa serye ang mga batikang aktor na sina Eric Quizon, Keempee De Leon, at Maricar De Mesa.

Ang stellar cast ay kukumpletuhin nina Yasser Marta, Vince Maristela, Mikoy Morales, Angellie Sanoy, Juharra Asayo, at Baninay Bautista.

Sina esteemed directors Adolf Alix Jr. at Dominic Zapata ang magdidirehe ng Delivery Boi.