What's Hot

Meryll Soriano, suportado ang love life ng amang si Willie Revillame

Published January 1, 1970 8:00 AM PHT
Updated February 21, 2020 1:05 AM PHT

Around GMA

Around GMA

LTO calls out barangay vehicle with 6 passengers, not cargo, onboard
Mga gamot sa ubo, sipon at vitamins, hatid ng GMAKF sa mga apektado ng Mayon | 24 Oras
11 hurt in van crash in Don Salvador Benedicto, NegOcc

Article Inside Page


Showbiz News



Para sa 'My Mother's Secret' star, ang kaligayahan ng amang si Willie ang importante sa kanya. Alamin ang buong Father's Day message ni Meryll sa 'Wowowin' host. 
By MARAH RUIZ

 
Single ngunit hindi available ang paglalarawan ni Meryll Soriano sa kanyang kasalukuyang status. Ito raw ay dahil mas maraming ibang bagay ang pinagtutuunan niya ng pansin. 
 
"Naka-focus ako ngayon sa work, sa family time, sa time ko for myself," ayon sa My Mother's Secret star.
 
READ: Meryll Soriano, maganda ang relasyon kina Bernard Palanca at Jerika Ejercito 
 
Hindi naman naiwasang itanong sa kanya ang tungkol sa love life ng kanyang amang si Wowowin host Willie Revillame. Ayos lang ba sa kanya kung sakaling magkaroon ng bagong pag-ibig ang kanyang ama?
 
"Oo naman. Siyempre ang importante 'yung happiness ng Papa ko. Wala kaming say about that," sabi nito. 
 
Ang tanging nais lang daw niya ay ang kaligayahan ni Willie.
 
"Ikaw ba, makahanap ka ng mamahalin mo, tatalikuran mo ba 'yan? I wouldn't want that to happen to my father. I would want him to be happy. Like I said earlier, I am here to support him in anything that he wants to do," pagpapatuloy nito. 
 
LOOK: Willie on the cover of showbiz magazine
 
Nagpaabot din si Meryll ng isang Father's Day message para sa kanyang ama.
 
"Papa, you know how much I love you. Kahit hindi tayo minsan nagmi-meet halfway, siguro we have grown to love each other unconditionally. Naiintindahn na namin 'yung mga dapat naming intindihin. Masaya ako and I'm very proud of you sa lahat ng pinagdaanan mo sa buhay mo. I'm always here to support you. Just know that and remember that, because I love you."