
Si Gabriel Mijares ng Cagayan De Oro ay ginagawang inspirasyon ang kanyang pagmamahal para sa lola para makapasok sa reality-based artista search.
Ayon sa StarStruck hopeful, lumaki siya na kasama ang kanyang kapatid sa piling ng kanilang lola.
Pumanaw ang ina ni Gabriel noong siya ay 2 years old pa lamang. Ang kanyang ama naman ay mayroon ng ibang pamilya at hindi na nila kasama.
Ang pagsali ni Gabriel ay hindi lamang para tuparin ang kanyang pangarap kundi para rin maging tulong ito sa kanyang lola na tumayo bilang kanyang magulang.
Panoorin ang StarStruck story ni Gabriel.