
Throwback feels ang hatid ng dalawang teams na maglalaban ngayong gabi sa Family Feud, ang pinakamasayang family game show sa buong mundo.
Mga dating teen stars sa iconic youth-oriented show na That's Entertainment ang maghaharap sa hulaan ng top survey answers.
Ang team THAT'S FAMILY ay binubuo nina Fredmoore de los Santos, na balik-acting recently sa GMA; Harvey Gomez na isa nang virtual assistant sa isang foreign firm; Maffi Papin, ang singer-actress na anak ng Jukebox Queen na si Imelda Papin, at Mike Castillo, na proud sa pagiging single hanggang ngayon.
Makakatapat nila ang team THAT'S LEGACY na binubuo nina Ryan Soler, na owner na ngayon ng isang resort sa Batangas; Melissa Silvano, isang nurse at mother of one; Ronel Wolfe, dating miyembro ng boy group na Quamo sa That's, at ngayo'y nagma-manage ng isang rehab center sa Cavite, at ang kapatid ni Sheryl Cruz na si Renzo Cruz, na ngayon ay abala sa kanyang farm sa Mindanao.
Bago sumalang sa aktuwal na laban, nagkaroon muna ng kulitan backstage ang walong That's alumni. May nangyaring laglagan habang masaya nilang binabalikan ang kanilang mga kalokohan at iba pang memorable moments sa That's.
Naging matindi ang see-saw battle ng dalawang teams pero sa huli, sino kaya ang mag-uuwi ng P200,000 jackpot prize? Abangan 'yan mamaya!
Marami pang throwback episodes ang parating sa Family Feud kaya't abangan ito araw-araw 5:40 PM sa GMA bago ang 24 Oras.
Puwede rin itong mapanood sa official Family Feud Facebook page. Worldwide ding itong napapanood via our livestream sa official YouTube channel ng Family Feud at sa GMA Network Kapuso Livestream.