
Tuluyan nang niyakap ni Simoun (Dennis Trillo) ang kadiliman sa historical portal fantasy series na Maria Clara at Ibarra.
Nang maaalam ang pinakamamahal niyang si Maria Clara (Julie Anne San Jose), mas magiging desidido siyang ipagpatuloy ang pagpapahirap sa mga indio para mapilitang mag-himagsik ang mga ito kahit pa tutol dito ang kanyang mga kaibigang sina Klay (Barbie Forteza), Fidel (David Licauco) at Elias (Rocco Nacino).
Sa episode ngayong gabi, February 15, bibisitahin ni Simoun si Padre Damaso (Tirso Cruz III), ang tunay na ama ni Maria Clara at ang taong humadlang sa kanilang pagsasama.
"Ngayong na ang tamang panahon upang kayo ay magpaalam na," babala ni Simoun sa prayle.
Tila nasa panganib rin ang amain ni Maria Clara na si Kapitan Tiago (Juan Rodrigo) dahil matatagpuan itong walang imik at dilat ang mata sa kanyang tahanan dahil na rin sa pagkakalulong nito sa apyan o opium.
Samantala, isang ama rin ang muling magsasakripisyo para kanyang anak dahil hindi matagpuan si Kabesang Tales (Arnold Reyes) matapos nitong tumanggap ng baril mula kay Simoun kapalit ng agnos ni Maria Clara.
Mag-iiwan siya ng liham sa anak niyang si Juli (Pauline Mendoza).
"Minamahal kong Juli, huwag mo na muna akong hanapin. Mabuting hindi mo alam kung nasaan ako para na rin sa kaligtasan mo," lahad ng kanyang liham.
Abangan 'yan sa Maria Clara at Ibarra, Lunes hanggang Biyernes, 8:00 p.m. sa GMA Telebabad. May simulcast din ito sa digital channel na Pinoy Hits, habang mapanood naman ang same-day replay nito Lunes hanggang Biyernes, 9:40 p.m. sa GTV.
Maari ring mapanood nang buo at libre ang episodes ng Maria Clara at Ibarra sa GMANetwork.com/FullEpisodes.
Mapapanood naman ang livestream nito sa GMANetwork.com/KapusoStream at sa GMA Network app.
SAMANTALA, NARITO ANG MGA BAGO AT NAGBABALIK NA KARAKTER SA EL FILIBUSTERISMO ARC NG MARIA CLARA AT IBARRA: