GMA Logo Tadhana: Maam Digna
What's on TV

Mga anak, nagbardagulan habang nasa Amsterdam ang ina sa 'Tadhana: Ma'am Digna'

By Bianca Geli
Published November 1, 2025 10:40 AM PHT

Around GMA

Around GMA

Sexbomb Girls to hold 3rd concert in February: 'Saving the best for last'
Anne Curtis and her family celebrated NYE at this ski resort
Negros Occ records over 260 road mishaps

Article Inside Page


Showbiz News

Tadhana: Maam Digna


Guro, iiwanan ang mga anak para maging OFW sa Amsterdam! Dalawang ate, napabayaan ang kanilang bunsong kapatid?

Sa Tadhana: Ma'am Digna, habang todo kayod si Teacher Digna (Desiree del Valle) sa Amsterdam para mabigyan ng magandang buhay ang kanyang pamilya, gumuho naman ang katahimikan sa kanilang tahanan sa Pilipinas. Ang mga anak na naiwan niya--sila naman ngayon ang nagkakagulo.

Kinupit daw ni Faith (Therese Malvar) ang perang ipinapadala ng ina, dahilan para magalit ng todo ang panganay na si Winnie (Arra San Agustin). Sa gitna ng alitan ng magkapatid, si Ringo naman ay lihim na sinasaktan ng kanilang sariling tiyahin.

Ngunit tila hindi pa rito nagtatapos ang kanilang mga problema. Mahihimatay si Winnie sa sobrang bigat ng sitwasyon, habang si Faith ay magpapasyang maglayas. Sa kabila ng lahat, paano pa kaya makakabangon ang mag-iina?

Huwag palampasin ang pagpapatuloy ng Tadhana: Ma'am Digna ngayong Sabado, 3:15 p.m. sa GMA-7, at sabay na mapapanood sa Facebook at YouTube pages ng GMA Public Affairs.