
Icons na walang kupas ang ganda at talino ang maghaharap sa fresh episode ng Family Feud!
Sa "Summer Tawa, Summer Saya" Tuesday (April 28), mapapanood ang mga anak ng mga batikang artista at ang mga couples na may nakakakilig na kuwento ng pag-ibig.
Ang team na Showbiz Royalty ay binubuo ng mga kababaihang nagpapatuloy sa legacy ng kanilang mga magulang.
Si Yvonne Salcedo ay anak ng tinaguriang “The Great Profile” na si Leopoldo Salcedo. Siya ay abala ngayon sa pagsasayaw at paghahalaman. Kasama niya ang minamahal na host at comedienne, anak ng yumaong aktres at public service icon na si Rosa Rosal, na si Toni Rose Gayda; ang paboritong aktres noong dekada '80, anak ni Baby O'Brien at apo ng legendary actress na si Paraluman, na si Rina Reyes; at ang anak ng premyadong aktres na si Lilia Dizon at kapatid nina Christopher, Pinky, at Melissa De Leon na si Toni Abad.
PHOTO SOURCE: Family Feud
Sa Retro Romantics naman, maglalaro ang mga couples na may one-of-a-kind love stories. Si Irene Celebre at Artie Perez de Tagle na may pag-iibigang 50 years in the making. Matapos maghiwalay noong kabataan, muling nagkita ang aktres na ina ni Gabby Eigenmann at anak ng Kundiman Queen na si Sylvia de la Torre. Plano nilang magpakasal sa susunod na taon.
Sasamahan pa sila nina Kylie Celebre, anak ni Irene, at User Interface designer na si Jan Pablo. Bilang isang transgender woman at transgender man, ibabahagi nila ang modern and inspiring story of love and authenticity sa Family Feud.
Abangan ang kanilang kaabang-abang na tapatan sa fresh episode ng Family Feud ngayong April 28, 5:35 p.m. sa GMA at sa Kapuso Stream.
Tuloy pa rin ang mas pinalawak na “Guess More, Win More” promo ng Family Feud! Network-wide na ang bigayan ng papremyo dahil kasali na rin sa "Guess More, Win More" ang GMA Afternoon Prime at GMA Prime programs na Born to Shine, House of Lies, Apoy sa Dugo, Fast Talk with Boy Abunda, The Sweetest Taboo, Encantadia Chronicles: Sang'gre at Never Say Die.