
Marami ang nakakapansin na hindi lang basta adorable kids ang mga anak ni Zeinab Harake kundi sila rin ay mayroong magandang ugali.
Sa bagong vlog ni Zeinab tungkol sa kanilang nakaraang Christmas party, tampok ang pagbibigay nila ng kanyang fiancé na si Bobby Ray Parks Jr. ng mga regalo.
Espesyal ang mga inihandang regalo ng couple para sa kanilang babies na sina Lucas at Zebbiana.
RELATED GALLERY: Bobby Ray Parks Jr.'s daddy moments with Zeinab Harake's kids Lucas and Zebbiana
Labis na natuwa sina Zeinab at Ray nung makita nila ang priceless reactions nina Lucas at Zebbiana habang binubuksan ang kanilang Christmas gifts.
Ayon sa netizens, very appreciative ang dalawang bata at talaga namang kapansin-pansin na maayos ang pagpapalaki sa kanila.
Bukod sa regalo ng kanilang Mommy Zeinab at Daddy Ray, masayang-masaya rin sina Lucas at Zebbiana sa mga ibinigay sa kanila ng kanilang mga kasama sa bahay.
Napapahiyaw pa si Zebbiana sa tuwing nagbubukas siya ng mga regalo.
Naging usap-usapan din ang reaksyon niya habang nagpe-pray ang kanyang Daddy Ray.
Sa kasalukuyan, mayroon nang 1.1 million views ang vlog ni Zeinab sa YouTube.
Samantala, pinaghahandaan na ng engaged couple na sina Zeinab at Ray ang kanilang upcoming wedding.