GMA Logo ricky davao and jackie lou blanco
Image Source: jackielou.blanco (IG)
What's on TV

Mga anak nina Jackie Lou Blanco at Ricky Davao, masaya sa TV reunion ng kanilang mga magulang

By Jansen Ramos
Published January 5, 2022 12:33 PM PHT

Around GMA

Around GMA

Gaza no longer in famine after aid access improves, hunger monitor says
28-anyos nga Lalaki, Gipusil sa Brgy. Calamba, Cebu City | Balitang Bisdak

Article Inside Page


Showbiz News

ricky davao and jackie lou blanco


Mapapanood ang ex-couple na sina Jackie Lou Blanco at Ricky Davao bilang mag-asawa sa 'I Can See You: AlterNate' simula January 10 sa GMA Telebabad.

Hindi maikakaila ni Jackie Lou Blanco na espesyal ang bagong serye niyang “AlterNate,” bagong kuwento sa ilalim ng hit Kapuso drama anthology na I Can See You, na mapapanood na simula Lunes, January 10, 8:50 p.m. sa GMA Telebabad.

Paano naman kasi, TV reunion nila ito ng kanyang dating mister na si Ricky Davao. Sa “AlterNate,” gagampanan nila ang role bilang mag-asawa. Ang kanilang mga karakter ang adoptive parents ni Nate, na binigyang-buhay ng primetime actor na si Dingdong Dantes.

Bukod kay Dingdong, makakasama rin nila ang bagong Kapusong si Beauty Gonzalez at si Joyce Ching.

Sabi ni Jackie Lou, "Out of all the teleseryes I've done, this one is really close to my heart. From loving the material, my role and being part of this wonderful ensemble."

Ayon pa kay Jackie, masayang-masaya ang kanilang tatlong anak ni Ricky na si Kenneth, Rikki Mae, at Arabella sa muling pagsasama nila sa telebisyon.

Dugtong ni Jackie Lou, "At hindi lang ako ang masaya! Lalong lalo na ang mga anak namin ni @rickyad. It's been so long that we hadn't worked with each other. So happy we were finally able to do so and I'm excited for you to see it!”

"Magsisimula na ang I Can See You: Alternate sa January 10 sa GMA Telebabad @gmanetwork," dagdag pa niya.

A post shared by Jackie Lou Blanco 💜 (@jackielou.blanco)

Matagal na ring hiwalay sina Jackie Lou at Ricky pero nananatili silang magkaibigan para sa kanilang mga anak.

Narito ang iba pang celebrity ex-couples na in good terms pa rin para sa kanilang mga anak sa kabila ng kanilang hiwalayan: