GMA Logo Jean Garcia Thea Tolentino Arra San Agustin Herlene Budol
What's Hot

Mga babaeng palaban, bibida sa Winner September ng bagong Wish Ko Lang

By Racquel Quieta
Published September 2, 2020 3:20 PM PHT

Around GMA

Around GMA

Michael Jordan tells court he 'wasn't afraid' of NASCAR
Dawn Zulueta opens up on navigating menopause with grace and confidence
Torres game-winner saves Benilde, forces semis do-or-die versus SBUĀ 

Article Inside Page


Showbiz News

Jean Garcia Thea Tolentino Arra San Agustin Herlene Budol


Mga babaeng hindi sumusuko sa hamon ng buhay ang tampok buong buwan sa Winner September ng bagong Wish Ko Lang.

Apat na mas pinalaki at mas pinatinding mga istorya ng matatapang at mapagmahal na mga kababaihan ang mapapanood sa Winner September ng bagong Wish Ko Lang.

teri malvar allen dizon at glydel mercado

Sina Teri Malvar, Allen Dizon, at Glydel Mercado sa “Nalunod” episode

Tampok sa mga bagong episodes ng Wish Ko Lang ngayong buwan ang pinakamahuhusay na Kapuso artists ng kanilang henerasyon.

Sa unang Sabado ng Setyembre, gaganap ang premyadong aktres na si Glydel Mercado bilang isang inang gagawin ang lahat upang mailigtas ang mga anak na inanod ng baha.

Ang episode ay pinamagatang “Nalunod” at kasama rin ni Glydel dito ang award-winning artists na sina Allen Dizon at Teri Malvar.

rochelle pangilinan and jason abalos

Sina Rochelle Pangilinan at Jason Abalos sa “Inararo” episode

Sa pangalawang Sabado ng buwan naman ay tampok sa “Inararo” episode ang kuwento ng mag-asawang naging fruit vendors sa kalsada ngayong panahon ng pandemya. Gagampanan ito ng Kapuso actors na sina Rochelle Pangilinan at Jason Abalos.

Sa kaarawan ng kanilang anak, balak sana ng mag-asawang mag-uwi ng birthday cake, ngunit hindi na pala sila makakauwi pa dahil sila'y aksidenteng masasagasaan ng isang lasing na driver.

Kasama rin sa “Inararo” episode sina Irma Adlawan, Shayne Sava, at Lexi Gonzales.

almira muhlach thea tolentino arra san agustin and herlene budol

almira muhlach thea tolentino arra san agustin and herlene budol

Sina Almira Muhlach, Thea Tolentino, Arra San Agustin, at Herlene Budol a.k.a. Hipon Girl sa “Nasunog” episode

Samantala, ang pangatlong Wish Ko Lang episode sa Setyembre ay tungkol naman sa magkapatid na babae na mabubuko ang pagtataksil na ginagawa ng asawa ng kanilang kapatid na lalaki.

Sina Arra San Agustin at Thea Tolentino ang gaganap na mga kapatid ni Juancho Triviño, habang si Herlene Budol a.k.a. Hipon Girl naman ang gaganap na asawa ni Juancho sa “Nasunog” episode. Kasama rin sa cast ang aktres na si Almira Muhlach bilang ina ng magkakapatid.

Matapos mailigtas ng magkapatid na babae ang kanilang kapatid na lalaki mula sa panloloko ng asawa nito, susubukin naman ng sunog sa grocery kung saan sila nagtatrabaho ang tatag at tapang ng magkakapatid.

jean garcia

Si Jean Garcia sa “Inilibing” episode

At sa huling Sabado ng Setyembre, tampok naman ang “Inilibing” episode. Tungkol ito kay Lorna, isang babaeng madidiskubreng may karelasyong iba ang kanyang asawang si Efren.

Isang matinding pagtatalo ang magaganap at aksidenteng mapupukpok ng martilyo si Lorna. Aakalain ni Efren at ng karelasyon nitong si Shiela na patay na si Lorna, kaya ililibing nila ito sa likod-bahay.

Ngunit kinagabihan, habang naghahandang tumakas sina Efren at Shiela, babangon sa hukay si Lorna at haharapin ang kanyang asawa at ang babae nito.

Ang award-winning Kapuso actress na si Jean Garcia ang gaganap na Lorna, habang si Vaness del Moral naman ang gaganap na si Shiela. Ang aktor na si Adrian Alandy ang gaganap bilang asawa ni Lorna na si Efren.

Talagang kaabang-abang ang mas pinalaki at mas pinatinding mga istorya ng mga babaeng palaban sa buhay sa Winner September ng Wish Ko Lang. Kaya manood na tuwing Sabado, simula September 5, alas-kwatro ng hapon sa GMA-7.

Manood ng 'Wish Ko Lang' at manalo ng gadgets at GMA Affrodabox!