GMA Logo Mga Batang Riles
What's on TV

Mga Batang Riles: Dr. K, pinatahimik na ni Argus

By Aaron Brennt Eusebio
Published March 13, 2025 5:15 PM PHT

Around GMA

Around GMA

South Korea's ex-president Yoon given 5-year jail term in first ruling over martial law
Vendors in Aklan fall victims to fake P1,000 bills
Nadine Samonte finds joy in collecting of designer figure

Article Inside Page


Showbiz News

Mga Batang Riles


Makikilala pa kaya ng 'Mga Batang Riles' ang nasa likod ng kidnapan sa Sitio Liwanag ngayong patay na si Dr. K (Joem Bascon)?

Bumagsak na ang isang kalaban ng Mga Batang Riles na si Dr. K (Joem Bascon) dahil walang awa siyang pinatay ni Argus (Jeric Raval), ang tauhan ng mga Victor.

Kinukumbinsi nina Kidlat (Miguel Tanfelix), Kulot (Kokoy de Santos), Sig (Raheel Bhyria), at Dags (Anton Vinzon) si Dr. K na ituro kung sino talaga ang may pakana ng organ harvesting syndicate na kumikidnap sa mga bata sa Sitio Liwanag pero hindi ito pumayag.

Sa kasamaang palad, hindi niya inakala na tatraydurin lang din siya ni Argus at ng mga Victor.

Nabigo man sina Kidlat, Kulot, Sig, at Dags na malaman kung sino ang nasa likod ng pangingidnap sa Sitio Liwanag, nabuhayan naman si Kidlat ng loob dahil nakita niya ang kanyang inang si Mayi (Diana Zubiri) matapos ang ilang taon.

Tutulungan kaya ng Mga Batang Riles si Kidlat na matunton ang kanyang inang si Mayi?

Panoorin ang Mga Batang Riles, Lunes hanggang Biyernes, 8:50 p.m. sa GMA Prime, dahil nasa riles ang tunay na aksyon! Mapapanood rin ito tuwing 10:30 p.m. sa GTV.