
Sa GMA Prime drama-action series na Mga Batang Riles, nagtuos na ang mortal na magkaaway na sina Kidlat (Miguel Tanfelix) at Matos (Bruce Roeland) sa Sitio Liwanag matapos magsimula ng sunog si Matos sa riles.
Habang nagtutuos sina Kidlat at Matos, hinarap muli ni Yani (Ronnie Ricketts) si Vergel (Ian Ignacio) na nakabangga niya rin noon sa juvenile center kung saan namalagi ang mga batang riles.
Humingi na rin ng tawad si Rendon (Jay Manalo) kay Ima Hana (Eva Darren) dahil sa kanyang mga kasalanan noon at sa ginagawa ni Matos na siyang nagpalaki.
Sino kaya ang mananalo sa paghaharap nina Kidlat at Matos? Mailigtas kaya ng Mga Batang Riles ang buong Sitio Liwanag?
Tutukan ang huling barkadagulan sa Mga Batang Riles mamayang 8:50 p.m. sa GMA Prime at Kapuso Stream. Mapapanood din ito tuwing 10:30 p.m. sa GTV.