
Simula sa Lunes, January 20, mapapanood ang GMA Prime drama-action series na Mga Batang Riles sa bago nitong oras na 8:50 p.m.
Patindi nang patindi ang mga eksena sa Mga Batang Riles ngayong nasa loob na ng juvenile center sina Kidlat (Miguel Tanfelix), Sig (Raheel Bhyria), at Dags (Antonio Vinzon).
Kumpleto na rin ang Mga Batang Riles dahil nakilala na ng tatlo si Kulot (Kokoy de Santos) na magiging kakampi nila.
Marami ang natuwa sa anunsyong ito dahil sakto ito sa pag-uwi nila sa bahay galing sa trabaho.
Patuloy na sumama sa barkadagulan nina Kidlat, Kulot, Sig, at Dags sa Mga Batang Riles, Lunes hanggang Biyernes, 8:50 p.m. sa GMA Prime at Kapuso Stream.