
Sa huling linggo ng GMA Prime drama-action series na Mga Batang Riles, tuloy-tuloy na ang paglusob ni Matos (Bruce Roeland) sa Sitio Liwanag.
Naniwala na si Rendon (Jay Manalo) sa sinabi ni Dolor (Ynez Veneracion) na nakita nina Kidlat (Miguel Tanfelix), Kulot (Kokoy de Santos), Sig (Raheel Bhyria), at Dags (Anton Vinzon) si Matos sa Pilipinas.
Sa kasamaang-palad, hindi pa rin napigilan ni Rendon si Matos sa pagpunta niya sa Sitio Liwanag kasama ang kakampi niyang si Vergel (Ian Ignacio).
Samantala, hindi na rin napigilan ni Kidlat na umamin ng nararamdaman niya kay Mutya (Zephanie) bago ang pinakamatindi nilang barkadagulan.
Paano kaya maipagtatanggol ng Mga Batang Riles ang Sitio Liwanag laban kay Matos at sa mga tropa nito?
Panoorin ang pinakamatinding barkadagulan sa huling linggo ng Mga Batang Riles, Lunes hanggang Biyernes, 8:50 p.m. sa GMA Prime at Kapuso Stream, dahil nasa riles ang tunay na aksyon! Mapapanood din ito tuwing 10:30 p.m. sa GTV.