
Talagang tinututukan ng mga manonood ang GMA Prime drama-action series na Mga Batang Riles hindi lang sa telebisyon dahil maging online ay mayroon na itong 1 billion views.
Kasabay nito, umani rin ng papuri ang Mga Batang Riles online at tinawag ito ng mga manonood bilang isa sa "masterpiece" ng GMA.
Ngayong huling linggo na ng Mga Batang Riles, mas lalong tumitindi ang mga eksena sa pagitan nina Kidlat (Miguel Tanfelix) at Matos (Bruce Roeland). Nagsimula nang magkagulo sa Sitio Liwanag nang muli itong sunugin ni Matos.
Mapigilan pa kaya ni Rendon (Jay Manalo) ang itinuturing niyang anak na si Matos?
Tutukan ang pinakamatinding barkadagulan sa huling linggo ng Mga Batang Riles, Lunes hanggang Biyernes, 8:50 p.m. sa GMA Prime at Kapuso Stream, dahil nasa riles ang tunay na aksyon! Mapapanood din ito tuwing 10:30 p.m. sa GTV.