GMA Logo Mga Batang Riles
What's on TV

Mga Batang Riles, nagluluksa sa pagpanaw ni Chelsea

By Aaron Brennt Eusebio
Published May 27, 2025 5:03 PM PHT

Around GMA

Around GMA

Cabral poised to do ‘tell-all’ before her death, says Lacson
Davao police say boy’s injury not caused by firecrackers

Article Inside Page


Showbiz News

Mga Batang Riles


Nakiramay ang buong Sitio Liwanag sa pagpanaw ni Chelsea (Caitlyn Stave) dahil kay Matos (Bruce Roeland).

Sa GMA Prime drama-action series na Mga Batang Riles, nagluluksa ang mga taga-Sitio Liwanag sa pagpanaw ni Chelsea (Caitlyn Stave).

Si Chelsea ang minalas na tamaan ng bala nang magwala si Matos (Bruce Roeland) dahil sa pagkakaalam niya ay ang grupo ni Kidlat (Miguel Tanfelix) ang pumatay sa kanyang inang si Scarlett (Desiree del Valle).

Ang hindi alam ni Matos, ang kakampi nilang si Argus (Jeric Raval) ang tunay na pumatay kay Scarlett.

Samantala, hindi pa rin nagpapatinag si Rendon (Jay Manalo) at patuloy pa rin ang pagpunta niya sa Sitio Liwanag na dati niyang tahanan.

Malalaman na kaya ni Kidlat na si Rendon ang tunay niyang ama?

Patuloy na panoorin ang paaksyon na paaksyon na Mga Batang Riles mula Lunes hanggang Biyernes, 8:50 p.m. sa GMA Prime at Kapuso Stream.