
Kapana-panabik ang mga tagpo at kaganapan sa maaksyong GMA Prime series na Mga Batang Riles.
Sa isang minutong teaser na inilabas online, mangyayari na ang inaabangan ng lahat na paglabas nina Kidlat (Miguel Tanfelix), Kulot (Kokoy de Santos), Sig (Raheel Bhyria), at Dags (Anton Vinzon) sa juvenile center.
Malaki rin ang pasabog ni Vergel (Ian Ignacio) dahil inutusan niya si Sig na patayin si Ssob (Dave Bornea), na isa sa mga tao niya sa loob ng Boys Town.
Bukod sa maaksyong eksenang 'yan, kailangan din abangan kung paano bumalik si Kidlat sa grupo ng mga batang riles matapos ang kanyang pagpapanggap na parte siya ng grupo nina Ssob at Vergel.
Abangan ang mga maiinit na tagpo na 'yan sa Mga Batang Riles, Lunes hanggang Biyernes, 8:50 p.m. sa GMA Prime at Kapuso Stream.