
Parami nang parami ang sumusubaybay sa GMA Prime drama-action series na Mga Batang Riles na pinagbibidahan nina Miguel Tanfelix, Kokoy de Santos, Bruce Roeland, Raheel Bhyria, at Antonio Vinzon.
Talagang tinutukan ng mga manonood ang episode ng Mga Batang Riles noong Lunes, January 20, kung saan nawala na ang paghihinala ng mga taga Sitio Liwanag na sina Kidlat (Miguel), Sig (Raheel), at Dags (Antonio) ang nagsimula ng sunog sa kanilang lugar.
Dahil sa nangyayari sa Sitio Liwanag at pagkakaisa ng mga tao na nakatira dito, panalo ang Mga Batang Riles sa ratings at trending rin ito sa X, na dating kilala bilang Twitter.
Ayon sa NUTAM People Ratings, nakapagtala ang Mga Batang Riles ng 7.9%, mas mataas sa 4.5% na nakuha ng katapat nitong programa.
Trending naman sa X Philippines ang 'Mga Batang Riles' at 'Kidlat.'
Paano kaya lilinisin nina Kidlat, Kulot, Sig, at Dags ang kanilang pangalan ngayong nasa loob sila ng juvenile center na Boys Town?
Patuloy na sumama sa barkadagulan nina Kidlat, Kulot, Sig, at Dags sa Mga Batang Riles, Lunes hanggang Biyernes, 8:50 p.m. sa GMA Prime at Kapuso Stream.