GMA Logo Mga Batang Riles trending
What's on TV

Mga Batang Riles' pilot episode, trending at pinag-usapan sa X

By Aaron Brennt Eusebio
Published January 7, 2025 12:41 PM PHT

Around GMA

Around GMA

RECAP: Team Philippines at the 2025 SEA Games
Isay band shines as first-ever Distilled Sounds PH champion
Third-culture kid

Article Inside Page


Showbiz News

Mga Batang Riles trending


Bukod sa number 1 trending topic sa X Philippines, umani rin ng papuri ang pilot episode ng 'Mga Batang Riles.'

Umarangkada na kagabi, January 6, ang unang pasabog ngayong taon ng GMA Prime na Mga Batang Riles na pinagbibidahan nina Miguel Tanfelix, Kokoy de Santos, Bruce Roeland, Raheel Bhyria, at Antonio Vinzon.

Nagsimula na ang laban ng mga nakatira sa Sitio Liwanag sa pangunguna ni Maying (Diana Zubiri) at Ima Hana (Eva Darren) laban sa malaking korporasyon na gustong angkinin ang kanilang lupain.

Nakasalamuha na rin ni Kidlat (Miguel) sina Sig (Raheel) at Dags (Antonio) sa Sitio Liwanag ngunit hindi naging maganda ang pagkikita nila.

Unang episode pa lang ng Mga Batang Riles ay ramdam na kaagad kung gaano nito ka-drama at ka-aksyon kaya naman pinag-usapan ito sa iba't ibang social networking sites.

Sa katunayan, trending ang ilang kataga galing sa Mga Batang Riles sa X, na dating Twitter.

Number 1 top trending topic sa X Philippines ang official hashtag na #MgaBatangRilesWorldPremiere, samantalang pumasok rin sa trending topics sina Kidlat at Kulot, ang mga karakter nina Miguel at Kokoy.

A post shared by GMA Drama (@gmadrama)

Sa ikalawang episode ng Mga Batang Riles, isang trahedya ang yayanig sa Sitio Liwanag. Sino kaya ang may kagagawan nito?

Tuloy-tuloy na sumama sa biyahe ng Mga Batang Riles, Lunes hanggang Biyernes, 8:00 p.m., sa GMA Prime at Kapuso Stream. Mapapanood rin ito tuwing 9:40 p.m. sa GTV.