
Sa GMA Prime drama-action series na Mga Batang Riles, nabunyag na ng mga manonood kung sino talaga si Jackson (Paolo Contis) sa buhay ng mga Victor.
Nagkaroon ng alyansa sina Jackson at Matos (Bruce Roeland) nang pabagsakin nila ang sindikato ni Mr. Fang.
Ngayong nagkita na si Jackson at ang ina ni Matos na si Scarlett (Desiree Del Valle), nabunyag na sa mga manonood na may nangyari sa kanilang dalawa noon.
Dahil dito, naniniwala si Jackson na siya ang tunay na ama ni Matos at hindi si Rendon (Jay Manalo).
Si Jackson kaya ang totoong ama ni Matos? O ginagawa lang ito ni Jackson para manipulahin ang mga Victor?
Panoorin ang Mga Batang Riles, Lunes hanggang Biyernes, 8:50 p.m. sa GMA Prime, dahil nasa riles ang tunay na aksyon! Mapapanood rin ito tuwing 10:30 p.m. sa GTV.