
Exciting na pagsisimula ng "Summer Tawa, Summer Saya" season ng Family Feud ang mapapanood ngayong April 6.
Simula ngayong Lunes, ibibida na ang summer treat ng Family Feud sa manonood. Tampok sa unang episode ngayong Abril ang lead at villains ng GMA's hottest Afternoon Prime series na Apoy sa Dugo at House of Lies.
Para sa Team Bida maglalaro ang Apoy sa Dugo stars na sina Ashley Ortega at Patricia Coma, at Martin Del Rosario at Gee Canlas na mula naman sa House of Lies.
Maglalaro naman sa Team Kontra sina Kris Bernal at Patricia Tumulak ng House of Lies at sina Thea Tolentino at Pinky Amador na mula sa Apoy sa Dugo.
Abangan ang exciting na tapatan ng heroes and icons ng GMA Afternoon Prime sa Family Feud ngayong April 6, 5:35 p.m. sa GMA at sa Kapuso Stream.
Patuloy pa rin ang mas pinalawak na “Guess More, Win More” promo ng Family Feud. Network-wide na ang bigayan ng papremyo dahil kasali na rin sa "Guess More, Win More" ang GMA Afternoon Prime at GMA Prime programs na Born to Shine, House of Lies, Apoy sa Dugo, Fast Talk with Boy Abunda, The Sweetest Taboo, Encantadia Chronicles: Sang'gre at Never Say Die.
Family Feud Guess More Win More Promo, magbibigay ng papremyo mula
hapon hanggang gabi simula March 2!