
Masisilayan ang mga bida ng upcoming action-drama series na Never Say Die sa isang motorcade.
Salubungin sina Jillian Ward, David Licauco, Raheel Bhyria, at Kim Ji Soo sa paglibot nila sa Quezon City bukas, January 27, simula 11:40 a.m.
Magsisimula ang motorcade sa GMA Network Center sa Timog Avenue at dadaan sa East Avenue, Matalino Street, Kalayaan Avenue, Kamias Street, Anonas Street, Aurora Boulevard, E. Rodriguez Sr. Avenue, at Tomas Morato Avenue bago bumalik sa GMA Network Center.
Sasakay sina Jillian, David, Raheel, at Ji Soo sa Tirada Express Bus na nagsisilbing headquarters ng programa ng karakter ni David na si Andrew sa serye.
Ang Never Say Die ay kuwento paghahanap ng hustisya at katotohanan ng isang vlogger at ng isang investigative journalist.
Magkasalungat man ang kanilang mga pananaw, mapipilitan silang magtulunan para mapabagsak ang isang malaking drug syndicate.
Bukod kina Jillian, David, Raheel, at Ji Soo, kabilang din sa all-star cast nito sina Richard Yap, Analyn Barro, Raymart Santiago, Angelu de Leon, Wendell Ramos, Ayen Munji-Laurel, Jonathan Villoso, at Ms. Gina Alajar.
Abangan ang upcoming action-drama series Never Say Die, simula February 2, 8:55 p.m. sa GMA Prime.
May same-day replay ito sa GTV tuwing 10:30 p.m. at mapapanood din sa Kapuso Stream.