
Ipinapakita ng mga taga-Tondo ang kanilang debosyon sa patron nilang si Señor Santo Niño sa pamamagitan ng isang makulay at maingay na tradisyon.
Hindi lang basta naglalakad ang mga deboto sa prusisyon, sila'y sumasayaw rin. Ito ang tinatawag na lakbayaw, pinaikling lakbay at sayaw.
Sa kanilang taunang pista, may isang grupong talagang inaabangan at tinitilian ng mga tao. Ang dahilan? Pawang mga borta ang mga kasali! Malalaki at litaw ang maskuladong pangangatawan.
Ang kanilang pasasalamat at panata sa Batang Hesus ay isinasabuhay sa pamamagitan ng walang humpay na paggiling habang naka-topless.
Sila ang mga miyembro ng Willie's Gym.
Ayon sa panayam ng Kapuso Mo, Jessica Soho (KMJS) sa founder ng Willies's Gym na si Willie Villamor, "Nag-umpisa kami 2006. Noong una siguro nasa 50, 60 lang pero after a year, umabot na kami ng 80, 100, hanggang sa dumami na ng dumami para ma-inspire ang mga kabataan sa amin, sa ginagawa namin, na alagaan yung pangangatawan."
Practice pa lang nila trending na online. Isa raw sa mga dahilan ay ang bago nilang recruit, ang 25-anyos na si Pius Marco Navarra.
"First time ko sumali, tapos tumitili lang sila. Tapos's parang sinasabi na baby boy nga daw," pagbabahagi ni Marco sa KMJS.
Dagdag pa nya, masaya siya na may mga nakakakilala na sa kanya. Bata pa lang daw pangarap na ni Marco na makasayaw sa Lakbayaw.
"Kasi yung tito ko, siya yung nilu-look up ko na pinapanood kong sumasali sa Lakbayaw. Na-inspire din ako kasi, kungbaga 'yung faith niya doon niya dinadaan sa pagsasayaw."
Ang kanilang performance sa taong ito, pinag-isipan daw talaga ng kanilang main choreographer kahit kakauwi pa lang niya ng Pilipinas. Ito ay si Si Jonash Teodoro na dalawang taong nag-OFW sa Macau.
Kwento ng choreophrapher ng Willie's Gym, "Nagtatrabaho po ako sa isang five-star hotel. Isa po ako doon ah concierge bell. So kami po yung namamahala sa mga VIP guest namin."
Bata pa lang batak na raw si Jonas sa pagsasayaw. "Sa school pa lang sumasayaw na ako. Nagkaroon ako ng sarili kong grupo nung college. Sumasayaw na ako sa lakbayaw sa ibang grupo., mga pambata .
"Nag-start ako sumali sa kanila ng 2012. Yung tatay ko po kasi sobrang maka-Diyos. May mga antique kami na mga malalaking santo po hanggang sa naging deboto po kami ng Sto. Niño sa simbahan ng Tondo."
Ang hiling niya noon ay makasayaw sa international stage. Bagay na dininig daw ni Señor Sto Niño.
"Nakatungtung ako sa mga big stage na competition like nakapagsayaw ako sa World of Dance, nakapag Hip -Hop International ako. Isa po sa lagi ko pong pinagdadasal sa Poong Santo Niño po is magkaroon ng maraming opportunity para po makatulong po sa akin at para po sa pamilya ko. Meron po akong isang anak si Jerico po, five years old. Single dad po ako.
"Taong 2023 po nung nakapag-ibang bansa po ako. Minsan atakihin ka na anxiety. Mag-isa ka lang, malayo ka sa pamilya mo pero nalabanan naman po 'yun. Sa linggo-linggo ko pong pinagdarasal sa poong Sto. Niño tuwing nagsisimba ko is yung kalakasan po ng pamilya ko," saad ni Jonash.
Panoorin ang kwento ng iba pang bortang lakbayaw ni Sto. Niño:
Patuloy na panoorin ang KMJS tuwing 8:15 ng gabi sa GMA Network.
RELATED FEATURE: Celebrities with their jaw-dropping chiseled core