
Ngayong Martes, exciting na “summer tawa, summer saya” tapatan ng elite vocalists ang mapapanood sa Family Feud!
Sa episode ngayong April 21, makakasama ni Dingdong Dantes ang mga artist na nakapagpasiklab sa international stages and local airwaves.
Maglalaro sa Team Quartex ang “Asia's Dual-Voice Sensation” at 4th-placer sa America's Got Talent: The Champions na si Marcelito Pomoy. Makakasama niya pa ang the original “Human Saxophone” at grand finalist ng 'Tanghalan ng Kampeon' sa TiktoClock na si Chito Ricafrente; si Tuko delos Reyes na powerhouse vocalist at grand finalist ng Tawag ng Tanghalan; at si Justin Taller na Tawag ng Tanghalan daily winner, vocal coach, at social media sensation with over 3 million followers.
Sa Team Swabeh naman, bibida ang ilan sa mga successful na indie singer-songwriters sa contemporary OPM scene. Sila ay sina Amiel Sol na nagpasikat ng “Sa Bawat Sandali,” si Janine Teñoso na nakilala sa multi-platinum hit “Di Na Muli” mula sa pelikulang Sid & Aya; si Rhodessa na isang indie-pop standout at alumna ng The Voice Teens PH; at si Earl Agustin, ang hitmaker ng viral song na “Tibok.”
Tutukan ang tapatan ng mga champion sa kantahan sa fresh episode ng Family Feud ngayong April 21, 5:35 p.m. sa GMA at sa Kapuso Stream.
Tuloy pa rin ang mas pinalawak na “Guess More, Win More” promo ng Family Feud! Network-wide na ang bigayan ng papremyo dahil kasali na rin sa "Guess More, Win More" ang GMA Afternoon Prime at GMA Prime programs na Born to Shine, House of Lies, Apoy sa Dugo, Fast Talk with Boy Abunda, The Sweetest Taboo, Encantadia Chronicles: Sang'gre at Never Say Die.