What's Hot

Mga Filipiñanang kasuotan, inabangan sa SONA 2015

Published January 1, 1970 8:00 AM PHT
Updated February 24, 2020 3:35 PM PHT

Around GMA

Around GMA

24 Oras Weekend: (Part 4) January 17, 2026
Check out the scenes from the Miss World Philippines press presentation
Brgy. chairman, nephew killed in Cotabato shooting

Article Inside Page


Showbiz News



Inabangan ang magagandang kasuotan ng mga pulitiko, artista at iba't-ibang personalidad sa red carpet ng huling State of the Nation Address ni President Noynoy Aquino.
By BEA RODRIGUEZ

Inaabangan ang magagandang kasuotan ng mga pulitiko, artista at ibang personalidad sa red carpet na gawa ng mga tanyag na fashion designers sa bansa kada idinaraos ang State of the Nation Address ng Pangulo ng Pilipinas. 

Binisita ng Chika Minute host na si Iya Villania ang isa sa mga pinakasikat na fashion designers sa bansa, si Rajo Laurel. Ayon sa designer, praktikal na disenyo ng Filipiñana ang hiniling ng mga kliente sa kanya ngayong 2015.

Inilarawan ni Rajo ang isang gown na ginawa niya sa report ng Balitanghali, “It’s a crop top and a skirt. The level of practicality [is they] should be able to wear the skirt again. A lot of these women make pagawa, but they also think of the practicality.”

 

A photo posted by Rajo Laurel (@rajolaurel) on



Dagdag pa ng beteranong designer na ang kanyang mga kliente ang namimili ng kulay at binabagay rin ito sa okasyon, “Dahil siguro huling SONA na ‘to ni Pnoy, baka marami ka sigurong makikitang dilaw.”

Ang ibang kliente naman tulad nina Senador Grace Poe at Congresswoman Lani Mercado ay pinaiba lamang ang disenyo ng kanilang lumang Filipiñana upang masuot ulit ngayong taon.

Ang presidential sister na si Kris Aquino ay nagpagawa ng kanyang gown pati na ang mga barong nina Josh at Bimby kay Michael Leyva. Galing pa ang mga materyales na ginamit sa probinsya ng Quezon at Laguna.

 

A photo posted by Kris Aquino (@withlovekrisaquino) on



Ang senadorang is Nancy Binay naman ay nagpagawa pa rin ng kanyang gown kay Randy Ortiz. Matatandaan noong huli ay pinag-usapan ng husto ang maling pagkakasuot ng senadora ng kanyang parachute gown.

Sa isang panayam, balak niya raw ito ipa-auction, “’Pag in-auction kaya ‘yun, may bibili kaya? Sa isang fundraising, baka pwede ko i-donate.”

Modernong gown naman ang idinisenyo ni Anthony Ramirez para kay Congresswoman Shalani Soledad mula sa native na materyales gaya ng abaca.

 

A photo posted by Anthony Ramirez (@anthonyramirezs) on



“Almost every Filipiñana gowns, after hindi mo na siya magagamit ‘cause of the sleeves. So that’s why ang ginawa namin [ay] gown siya then iti-twist namin to a Filipiñana,” saad ng celebrity fashion designer na si Anthony.

Hindi lang daw nito ipinapakita kung anong talentong mayroon ang ating mga designers pero ibinabahagi rin nito ang kulturang Pilipino sa pamamagitan ng Filipiñanang ginagawa nila.