
Two-man play ang larong mapapanood sa Celebrity Bluff ngayong Sabado, November 27 dahil bibista ang ating mga iniidolo sa basketball.
Mapapanood pa rin sina Eugene Domingo, Jose Manalo, Boobay at Brod Pete sa all-original Pinoy comedy game show.
Off-court naman ang magiging laro ng basketball stars dahil sila ang sasabak at makiki-“Fact or Bluff.” Magkakampi sina Freddie Hubalde at Kevin Ferrer, teammates sina Kenneth Duremdes at Jeron Teng, at magka-tandem naman sina Jerry Condiñera at Roi Sumang.
Handa na ba kayong maki-“Fact or Bluff' kasama ang inyong mga paboritong artista?
Sabay-sabay tayong matawa at matuto! Tutok na sa Celebrity Bluff tuwing Sabado ng gabi pagkatapos ng Daddy's Gurl.