GMA Logo Huwag Kang Titingin
Photo by: GMANetwork.com
What's Hot

Mga kabataan at mahilig sa social media, makaka-relate sa horror film na 'Huwag Kang Titingin'

By Aimee Anoc
Published March 28, 2026 5:27 PM PHT

Around GMA

Around GMA

Here are the ticket prices for BINI's 'Signals' Concert in Manila
PH committed to peaceful approaches on WPS, senior officials say
Aesthetic clinic ni Faye Lorenzo, negosyong fresh seafood at frozen taho, paldo! | Pera Paraan

Article Inside Page


Showbiz News

Huwag Kang Titingin


Abangan ang horror film na 'Huwag Kang Titingin' sa mga sinehan ngayong April 15!

Paniguradong makaka-relate at kapupulutan ng aral ng mga kabataan at mahihilig sa social media ang horror film na Huwag Kang Titingin, kung saan tampok sa kuwento ang pinagsamang Filipino folklore at modernong clout chasing.

Sa interview kay Aubrey Carampel ng 24 Oras, ibinahagi ni Sofia Pablo ang kahalagahan ng pagiging maingat sa mga pino-post online.

"Hindi talaga lahat ng bagay dapat kino-content, minsan may consequences. And applicable din siya in real life now, sometimes 'yung content it can harm other people."

Nagbigay rin si Shuvee Etrata ng aral na maaaring matutunan sa pelikula.

"Feeling ko 'yung mga kabataan ngayon just do their own thing mag-viral, sumikat, gagawin lahat para sa fame. May mga ganung kabataan ngayon. Pero hanggang saan ang kaya mo. Minsan nagawa mo na tapos nasa huli na ang pagsisisi," sabi niya.

Nag-tease naman sina Allen Ansay at Michael Sager sa magiging kuwento ng Huwag Kang Titingin.

"Nasusukat dito 'yung friendship namin, kung hanggang saan ba aabot. And, ano ba yung nagagawa ng isang activity na kumbaga first time mo gagawin sa buhay mo," ani Allen.

Pagbabahagi naman ni Michael, "Paano 'yung Gen Z generation 'pag may mga pamahiin, 'yung mga superstitions ng mga Pinoy, naghalo bigla, and may online world pa."

Ayon kay Charlie Fleming, pambarkada rin ang kanilang pelikula.

"Pambarkada po talaga siya. Alam mo 'yung feeling na manonood ka tapos biglang, 'Ay ako 'yung naka-pink.' 'Yung ganu'n 'yung feeling."

Makakasama rin sa pelikula sina Marco Masa, Kira Balinger, Josh Ford, Sean Lucas, at Anthony Constantino.

Mapapanood ang Huwag Kang Titingin sa mga sinehan simula April 15.

Panoorin ang movie trailer ng Huwag Kang Titingin dito:

TINGNAN ANG FUN AT SPOOKY HIGHLIGHTS NG HUWAG KANG TITINGIN MEDIACON SA GALLERY NA ITO: