What's Hot

Mga kamag-anak nina Alden Richards at Maine Mendoza, kilig overdrive sa 15th weeksary

Published January 1, 1970 8:00 AM PHT
Updated July 21, 2020 9:27 AM PHT

Around GMA

Around GMA

Sandiganbayan orders 2 Revilla co-accused sent to QC women’s jail
Iloilo City LGU to sue man for chopping down trees in Jaro
900 pamilya sa Albay na apektado ng Bulkang Mayon, hinatiran ng tulong ng GMAKF | 24 Oras

Article Inside Page


Showbiz News



Hindi lang ang AlDub Nation ang kinilig ngayong araw na ito. Pati ang mga taong malapit sa puso nina Alden at Maine, kinilig pa more. 
By AEDRIANNE ACAR
 
Kinilig ang buong bansa para sa hinandang sorpresa ng Eat Bulaga para sa 15th weeksary ng AlDub ngayong Huwebes (October 29).
 
Si Alden Richards ba naman ang dumalaw kina Yaya Dub at sa mga Lola sa barangay kaya naman bumaha ng sweet at funny moments courtesy of the phenomenal love team.
 
WATCH: First kilig video of AlDub, a certified hit online
 
PHOTOS: Kapamilya stars kinikilig din sa AlDub
 
Sa katunayan ang first kilig video nina Maine Mendoza at Pambansang Bae ay humakot na ng milyun-milyong views. Sa kasalukuyan, ang video na ‘Yaya Dub, kinilig kay Alden Richards’ mayroon ng mahigit 4.7 million views sa YouTube.
 
 
AlDub family  
 
Nakatutok din ang mga kamag-anak nina Menggay at Tisoy sa episode ng kalye-serye this Thursday.
 
Sunod-sunod ang tweet ng nakakatandang kapatid ni Yaya Dub na si Niki, dahil siya man ay hindi mapigilan na kiligin sa dalawa.
 

Nakakatawa rin ang mga sumunod na posts sa Twitter ni Daddy Bae Richard Faulkerson, Sr.
 
Sa isang post niya, hampas proof daw siya pero sa kurot hindi pa.


Matatandaan na naging viral sa social media ang video ni Mr. Faulkerson sa Philippine Arena matapos hindi sinasadyang mahampas ng mga babaeng fans ng AlDub.
 
READ: Hampas pa more: Daddy Bae nahampas sa likod ng mga kinikilig na fans ng AlDub
 
Bumuhos din ngayong araw ang tweets ng AlDub Nation, ang #ALDUB15thWeeksary ay nag-trend both Worldwide at sa Philippines. As of 3:21 PM mayroon na ang hashtag na ito na 2.3 million tweets.