
Ang ating mga atletang Pinoy sa sepak takraw ay haharap sa bagong challenge sa Family Feud ngayong October 29!
Mula sa pagbibigay ng karangalan sa Pilipinas dahil sa kanilang mga medal-winning performance sa 2026 Asian Games, ipapakita ng ating mga atleta ang kanilang skills sa isang espesyal na sepak takraw demonstration. Kakasa kaya ang special guest host na si Michael V. sa pagpapakita ng kaniyang sepak takraw moves?
Ang Legends in Motion ay binubuo ng tatlong miyembro ng Philippine women's sepak takraw team na nakapag-uwi ng silver medal sa doubles event ng 2026 Asian Games sa Aichi-Nagoya, Japan.
Sila ay sina Abbey Sinogbuhan, isang full-time athlete mula sa Sagay City, Negros Occidental; JM Sucalit, isang national athlete sa loob ng 10 taon at graduate ng Bachelor of Physical Education mula sa Catmon, Cebu; at Nelly Salon, isang second-year college student na kumukuha ng Bachelor of Technology and Livelihood Education, major in Industrial Arts, at tubong Cuyo, Palawan.
Kasama rin nila si Emman Escote, dating national athlete mula 2011 hanggang 2021 at graduate ng BS Information Technology, major in Electronics. Ngayon, isa na siyang assistant coach ng Philippine women's sepak takraw team
PHOTO SOURCE: Family Feud
Makakaharap nila ang The Takraw Titans na pinangungunahan nina Jason Huerte at Rey Asilum na nag-uwi ng bronze medal sa men's regu event ng 2026 Asian Games. Kumukumpleto naman sa kanilang team sina Mark Fuentes at John Deryck Diego, na parehong nag-uwi ng bronze medal sa hoop event ng 2025 Southeast Asian Games.
Abangan ang “o-ber sa tawa, o-ber sa saya” na fresh episode ng Family Feud ngayong October 29, 5:35 p.m. sa GMA at sa Kapuso Stream.
Huwag kalimutang sumali sa “Guess More, Win More” promo ng Family Feud! Manood lamang ng Family Feud para sa pagkakataong manalo ng papremyo araw-araw. Tutok na Lunes hanggang Biyernes sa Family Feud para sa buong detalye.
I-download ang GMA Play sa Apple App Store at Google Play. Available rin ito sa GMANetwork.com/GMAPlay at sa mga Android TV.