What's Hot

Mga Kapuso dads, looking forward sa selebrasyon ngayong weekend

By BEA RODRIGUEZ
Published January 1, 1970 8:00 AM PHT
Updated March 15, 2020 9:40 PM PHT

Around GMA

Around GMA

Gazini Ganados advances to Top 10 of Miss Grand International All Stars
Sayran nato ang Dagan sa Panahon karong Adlawa May 29, 2026 | Balitang Bisdak

Article Inside Page


Showbiz News



Happy Father’s Day, Kapuso!


Alamin ang mga plano ng ating mga Kapuso Dads ngayong darating na Father's Day? 

Kahit bagong kasal ang Hay, Bahay star na si Vic Sotto, hindi niya nakakaligtaan ang kanyang pamilya. Ano ang plano ni Bossing ngayong darating na Father's Day? “Kasama ‘yung mga anak [at] mga apo. Most probably, kumpleto [pero] si Marc [Pingris] lang ang absent dahil busy sa Gilas.” 

 

Thank you for the treat @marusotto @mabelsotto29 ?? Happy anniversary! Love you!

A photo posted by Marie Pauleen Luna- Sotto (@pauleenjlunasotto) on

 
Basta kasama ang kanyang mga anak, siguradong wala nang mahihilang pa ang Kapuso star. Isinaalang-alang niya rin ang selebrasyon sa kanila, ‘Di ko alam sa mga anak ko, siguro sila dapat ang magplano diyan.”
 
Nakaka-relate dito ang Kapuso Primetime King na si Dingdong Dantes na enjoy sa pagiging daddy kay Baby Maria Letizia, “Parang minu-minuto talaga nandun ka para masaksihan mo lahat ng mga nagaganap sa kanyang paglaki.”

 

Everyday delight. #MariaLetizia

A photo posted by Dingdong Dantes (@dongdantes) on


EXCLUSIVE: Dingdong Dantes piniling maging full-time dad kay Baby Zia

The best feeling in the world para kay "Bad Boy on the Dance Floor" Mark Herras tuwing nakakasama niya ang kanyang anak na si Ada. Extra special pa ito kapag, “Tawagin kang Tatay o tawagin kang Daddy o tawagin kang Dada. Kung ano man ang tawag ng anak ko sa akin, siyempre ‘yun ang pinakamasarap na feeling sa pagiging ama.” 

 

Happy 2nd birthday my princess!! You know how much i love you & sobrang clingy mo sakin kanina ???????????? dada lang :) Sana gumaling kn Sofia... Iloveyousomuch.. P.S ngayon k lang sya napatulog! Ibang klaseng pakiramdam... You're god's greatest gift ... Happy birthday Sofia ???????? #AdaSofiaNicoletteHerras

A photo posted by HerrasMarkAngelo (@angelo_herras) on

 
Isang beses lang sa isang taon ipinagdiriwang ang espesyal na okasyon ngunit araw-araw ay espesyal kapag kasama nila ang kanilang mga mahal sa buhay.

 


 
 MORE ON KAPUSO DADS:
 
#DaddysGirl: Sweet father and daughter photos
 
#ManCrushMonday: Daddy Hunks