
Magkakasama ang mga Kapuso stars sa isang workshop by acting coach Anthony Bova. First day pa nga lang ay ang marami na silang natutunan.
Ani ni Alden, "Ang dami mong madi-discover sa sarili mo na hindi mo alam. [Isang bagay na] hindi mo madi-discover sa sarili mo until may humugot."
Kuwento naman ni Janine, "Ang dami ko nang natutunan, hindi lang tungkol sa craft, sa pagarte, kundi [pati na rin] sa sarili ko."
Excited din ang mga Kapuso actors at actresses dahil one year ang acting workshop na ito. Ika ni Miguel, "Para siyang school na-a-attendan mo, kasi buong taon kayo, so, buong taon kayo mag-a-aral para sa craft namin. So, pakiramdam ko mas marami akong matututunan."
Panoorin ang buong report ni Cata Tibayan para sa 24 Oras: