
Ngayong Huwebes, matutunghayan sa biggest collaboration ng GMA, ABS-CBN, at Viu na Unbreak My Heart ang pagtatagpo ng mga karakter nila Will Ashley at Bianca De Vera.
Ginagampanan ni Will Ashley sa serye ang karakter ni Jerry, at si Bianca naman ay napapanood bilang si Gwen.
Sa bagong episode, hindi inaasahan ni Jerry na muli niyang makikita si Renz (Joshua Garcia).
Sa muli nilang pagtatagpo, magkukunwari si Jerry na wala siyang balita sa dating kasintahan ni Renz na si Rose, ang karakter ni Jodi Sta. Maria sa naturang series.
Samantala, kaabang-abang kung paano ipakikilala ni Renz si Jerry kina Alex (Gabbi Garcia) at sa half-sister ng huli na si Gwen.
Ano kaya ang maidudulot ng unang pagtatagpo nina Jerry at Gwen?
Hindi rin dapat palampasin kung anu-ano pa ang gagawin ni Rose para mahanap at makausap ang kanyang anak.
Panoorin ang ilang pasilip na eksena sa episode na mapapanood mamaya sa video na ito:
Subaybayan ang Unbreak My Heart, mapapanood tuwing Lunes hanggang Huwebes sa GMA Telebabad, Pinoy Hits, at I Heart Movies, 9:35 p.m., at sa GTV naman ay sa oras na 11:25 p.m.
Maari rin itong mapanood sa GMA Pinoy TV at TFC.
Para naman sa advance streaming, ipinapalabas ito sa GMANetwork.com, iWantTFC, at Viu.
SILIPIN ANG ILANG LARAWAN NG UNBREAK MY HEART STARS MULA SA KANILANG ITALY TAPING SA GALLERY SA IBABA: