GMA Logo GMA Kapuso Foundation helps Rizal
What's Hot

Mga katutubong magsasaka, kabilang sa natulungan ng GMA Kapuso Foundation

By Marah Ruiz
Published May 27, 2020 10:51 AM PHT

Around GMA

Around GMA

Magna Carta of Filipino Seafarers: What It Means for Those Who Live Life at Sea
Filipino sustainability champion named to World Economic Forum's Young Global Leaders 2026
GMA Kapuso Foundation, namahagi ng tulong sa mga apektado ng mahal na langis sa Mt. Province sa ilalim ng Operation Bayanihan Project | 24 Oras

Article Inside Page


Showbiz News

GMA Kapuso Foundation helps Rizal


Ilang katutubong magsasaka sa Rizal ang hinatiran ng tulong ng GMA Kapuso Foundation

Apektado ang kabuhayan ng mga katutubong Dumagat-Remontado dahil sa lockdowns na dulot ng COVID-19.

Karamihan sa kanila, pagsasaka ang ikinabubuhay sa isang sitio sa Antipolo, Rizal. Pero dahil sa lockdown, hindi nila maibenta ang mga ani sa bayan.

Kabilang sila sa 2,400 tao mga hinatiran ng tulong ng GMA Kapuso Foundation sa Rizal.

Nagpamahagi dito ng fully loaded Kapuso grocery packs, frozen Chickenjoy packs, tinapay, biskwit, sabong panligo at panlaba.

Katuwang pa rin sa pamamahagi ang 2nd Infantry Division at 80th Infantry Battalion ng Philippine Army.


Patuloy ang GMA Kapuso Foundation sa paglikom ng pondo para mga medical supplies na ihahandog sa mga COVID-19 frontliners at sa mga pampublikong ospital sa ilalim ng kampanyang Operation Bayanihan: Labanan Natin ang COVID-19.

Kasama na rin dito ang pagbibigay ng grocery packs para sa mga pamilyang hindi makapaghanap-buhay dahil sa enhanced community quarantine.

Maaaring mag-donate sa GMA Kapuso Foundation sa pamamagitan ng pagbisita sa kanilang official website.

Maari din bumili ng GMA Kapuso Foundation vouchers mula sa Shoppee at Zalora, mag-convert ng Metrobank credit card rewards points, o gumamit ng PayMaya para mag-donate sa GMA Kapuso Foundation.