
Sa pagtatapos ng Encantadia nitong Biyernes, May 19, nagpaalam na rin ang ilan sa mga kontrabidang kinaiinisan ng televiewers.
IN PHOTOS: 'Encantadia' villains imitate the Sang'gres
Tulad ni John Arcilla na gumanap bilang Hagorn, nag-post din sa kani-kanilang Instagram accounts sina Rochelle Pangilinan, Neil Ryan Sese, Jinri Park at Janice Hung.
Ani Rochelle, "Wala akong bukambibig kundi maraming salamat! Mula kay Agane hanggang kay Andora ,napakagandang pagkakataon na ibinigay sa 'kin at gampanan sila. Bawat eksena, walang pinapalagpas na "pwede na," at bawat eksena pinagdadasal ko lagi na maging ligtas at maayos ang lahat. Hhindi biro ang mapasama sa Encantadia. Marami ring aksidente na maaring mangyari kung hindi mag-iingat. Masasabi kong ito ang pinaka naging paborito kong trabahong tinanggap [dahil] sa Encantadia natupad ang pangarap ko na magkaroon ng role na action/fantasy! Maraming pagkakaiba sina Agane at Andora, ngunit isang salita ang sa kanila ay nagdudugtong, walang iba kundi ang...." ATAYDE!!!!"....na inyong nagustuhan."
Si Neil Ryan naman na gumanap bilang Asval ay tinuturing na "thrilling at joyful experience" ang Encantadia.
Masaya rin si Jinri na napasama siya sa iconic telefantasya kahit sa bandang dulo na. Dito raw niya kasi naipakita ang galing niya sa jiu jitsu.
"Thank you for letting me showcase and find something I enjoy doing! Especially to the all the directors, Direk Mark for helping me out in a lot of situations and telling me to just grapple everyone haha! The entire crew of Encantadia are just a bunch of awesome, kind people," saad niya sa caption.
Short but sweet naman ang post ni Bathalumang Ether na si Janice.