
Bumabaha ng emosyon ang mga matitinding eksena sa GMA Afternoon Prime series na Apoy sa Dugo.
Kinagigiliwan ng viewers ang mga kontrabida sa serye na sina Pinky Amador, Thea Tolentino, at Ashley Ortega.
Umani ng papuri ang tatlong aktres sa kanilang mahusay na pagganap sa kani-kanilang karakter bilang kontrabida, dahil talaga namang napapainit nila ang dugo ng mga manonood.
Lalo na't patindi nang patindi ang mga eksena, hindi mapigilan ng netizens na abangan ang mga susunod nilang sagupaan.
Narito ang ilang reaksyon ng viewers kina Pinky, Thea, at Ashley bilang kontrabida:
Maliban sa mga kontrabida, naaliw rin ang karamihan sa takbo ng kuwento ng serye. Kinagiliwan ng viewers ang hindi pagkawala ng “thrill” kada episode dahil sa mga matitinding puksaan na hatid nito.
Abangan ang matitindi pang sagupaan ng mga kontrabida sa Apoy sa Dugo mula Lunes hanggang Biyernes, 4:05 p.m. sa GMA Afternoon Prime.
RELATED GALLERY: Meet GMA's new generation of kontrabidas