May "babala" sina Jaclyn Jose, Ina Raymundo at Carmi Martin kay Lola Nidora.
By BEA RODRIGUEZ
PHOTOS BY BOCHIC ESTRADA, GMANetwork.com
Marami nang mga artista ang may AlDub fever pati ang mga bibidang kontrabida sa pangalawang Pinoy remake ng Marimar at may babala sila para kay Lola Nidora.
Sa report ng Unang Hirit, ginaya ng primerang kontrabida na si Jaclyn Jose si Lola, “‘Babala! Asawa ni Babalu!’ Oo, humanda siya! Gagantihan ko rin siya.”
Suportado naman ng sexy actress na si Ina Raymundo ang tambalang Alden Richards at Yaya Dub kaya ipinaabot niya ang kanyang mensahe para kay Lola. Aniya, “’Wag masyadong KJ… pero ‘pag siya naman, kinikilig rin, ‘di ba? Unfair!”
Ang Kapuso actress naman na si Carmi Martin ay sobrang nanggigil sa galit kay Lola Nidora dahil hadlang siya sa pag-iibigang AlDub, “Hoy Lola Nidora! Siguro wala kang love life for a long, long time!”