Article Inside Page
Showbiz News
Mas tahimik ngayon ang buhay ng aktor, compared to last year. Mostly, Dennis spends his spare time with his son, and watching him grow up.
Dennis Trillo is now leading a quieter life, compared to last year. Hindi rin maipagkakaila na malaki ang nagbago since pumasok sa buhay ni Dennis si Calix, his son. Ngayon, Dennis spends his free time with Calix—and watching him grow up. Text by Jason John S. Lim. Interview by Loretta Ramirez. Photos by Mitch S. Mauricio.

Sa set ng
Gagambino, kinamusta ng iGMA ang lagay ni Calix, and Dennis was only to happy to talk about his kid.
"Okay naman," sagot niya.
Lately, according to Dennis, mas madalas na niyang nakakasama si Calix. Whenever he would have a day na wala siyang trabaho, he wouldn't pass up a chance na mabisita ang anak niya. "Basta 'pag wala akong work, bibisita ako doon. Tapos 'pag Sundays naman, hihiramin namin, tapos kasama 'yung buong family ko."
Kuwento ni Dennis na when he visits with his son, "Maglalaro lang kami. Ang dami na niyang nagagawa, ang dami na niyang nasasabi. Tsaka medyo tumatangkad na siya, pumapayat, kasi lagi siyang tumatakbo—ang likot! Sobrang likot. Tsaka matakaw. Growing boy. One year na! One year and four months na. Ang bilis!" Clearly, Dennis enjoys talking about his son.
Ngayong mas malaki-laki na si Calix, Dennis says na may nakikita na siyang similarities between him and his son: "Nakita ko kahapon, tapos sinabi rin ng yaya niya, na parang kaliwete siya. Kasi lahat ginagawa niya sa kaliwa, pati pagsipa niya sa bola, kaliwa din." Dagdag pa ni Dennis, nahihilig na rin maglaro si Calix with his drum set—"Tapos may pagka-loner din siya."

Loner? Explain ni Dennis that they've enrolled Calix sa Gymboree, so he could be with kids his age. "Parang hindi siya sanay na kasama niya maraming kids. Gusto niya 'yung attention sa kanya lang." Concerned man si Dennis, he knows na naninibago lang din 'yung anak niya sa change of environment. "Bihira [kasi] siyang makasama ng ibang kids sa bahay, so naninibago siya 'pag nakakakita siya ng ganoon."
Besides, aminado si Dennis na may pagka-loner din siya when he was a kid. "Kahit hanggang ngayon!" he adds with a laugh. "Nakikita ko talaga 'yung sarili ko sa kanya, habang lumalaki siya."
With summer fast approaching, Dennis says they're planning to take Calix with them on vacation na. "Siyempre, gusto ko rin siya makasama sa Holy Week, ng mahabang oras."
May suggestions ka ba for Dennis kung saan pwedeng dalhin si Calix? Don't hesitate to tell him through his Fanatxt service.
Just key in DENNIS (space) (your message) and send to 4627 for all telcos. (Each Fanatxt message costs PhP2.50 for GLOBE, SMART, and TALK 'N TEXT, and PhP2.00 for Sun subscribers. This service is exclusively for the Philippines only.)
And if you want to see more Dennis? tuloy-tuloy lang ang mga bagong episodes ng
Carlo J. Caparas’ Gagambino every weeknight! And of course, every Sunday, maki-jam lang sa kanya through
SOP!