GMA Logo Dominic Roque, Bea Alonzo
Source: dominicroque, beaalonzo (Instagram)
What's Hot

Mga larawan ni Dominic Roque, burado na sa Instagram ni Bea Alonzo?

By Jimboy Napoles
Published April 14, 2024 11:53 AM PHT

Around GMA

Around GMA

LIVE UPDATES: Conflict in the Middle East (May 2, 2026)
OFWs repatriated due to Middle East crisis welcomed at job fair
Six PH universities make it on Times Higher Education University Rankings

Article Inside Page


Showbiz News

Dominic Roque, Bea Alonzo


Hindi na makita sa Instagram account ni Bea Alonzo ang mga larawan nila ng dating nobyo na si Dominic Roque.

Hindi nakaligtas sa mga mata ng ilang netizens na burado na sa Instagram account ni Bea Alonzo ang mga larawan niya kasama ang ex-fiance na si Dominic Roque.

Nitong April 13, 2024, mabilis na pinag-usapan sa social media ang deleted posts ng aktres. Kabilang sa nasabing deleted posts ay ang join statement ng dalawa tungkol sa kanilang break-up noong February 2024.

Bukod dito, hindi na rin makita sa Instagram account ni Bea ang maraming travel photos nila noon ni Dominic na pinusuan at kinakiligan ng kanilang supporters.

A post shared by bea alonzo (@beaalonzo)

Samantala, nang bisitahin naman ang IG account ni Dominic, nandoon pa rin naman ang mga larawan nila ng ex-girlfriend niya na si Bea.

A post shared by Dominic Roque (@dominicroque)

Sa katunayan, napansin pa kamakailan ng ilang netizens na ang larawan pa rin ni Bea ang nasa wallpaper ng cellphone ni Dominic.

Bagama't burado na ang memories together nina Bea at Dominic sa Instagram ng aktres, naka-follow pa rin naman sa isa't isa ang dalawa.

February 11, 2024 nang kumpirmahin nina Bea at Dominic ang kanilang breakup na ikinagulat ng publiko dahil inanunsyo nila ito ilang buwan lamang matapos ang kanilang viral na wedding proposal.

Hanggang ngayon, hindi pa rin malinaw kung ano ang naging dahilan ng hiwalayan ng dalawa.

Makikita naman sa social media na parehong busy ang dalawa sa kani-kanilang mga trabaho at present pa rin sa iba't ibang events kasama ang kanilang mga kaibigan.

RELATED GALLERY: Celebrity breakup: Bea Alonzo and Dominic Roque