
Gagawin ng Bounty Hunters ang lahat upang iligtas ang kanilang lider na si Onyx (Vin Abrenica)!
Kahit alam nilang nasa kamay na ng Team Urduja ang pinakamakapangyarihang hiyas ni Hara Urduja (Sanya Lopez) ay buong tapang nilang kakalabanin ang mga ito. Sa kanilang pagsugod, wala silang sasantuhin!
Matinding labanan din ang mangyayari sa pagitan nina Hara Urduja (Sanya Lopez) at Khatun Khublun (Faith Da Silva)!
Sa paglusob ng hukbo ng makapangyarihang reyna na nagmula sa Silangang Asya, muling ipamamamalas ni Hara Urduja ang kaniyang kapangyarihan!
Magwagi kaya siya laban kay Khatun Khublun? Maprotektahan niya kaya ang kaniyang sinasakupan?
Alamin mamaya sa mythical primetime mega serye na 'Mga Lihim ni Urduja,' 8:00 p.m., sa GMA Telebabad.
KILALANIN ANG IBA PANG CAST NG 'MGA LIHIM NI URDUJA' SA GALLERY NA ITO: