GMA Logo Mga Lihim ni Urduja
What's on TV

'Mga Lihim ni Urduja,' muling nakakuha ng mataas na TV ratings

By Abbygael Hilario
Published April 19, 2023 12:32 PM PHT

Around GMA

Around GMA

PCSO: No winners in 6/49, 6/58 lotto draws on Sunday, Dec. 28
Farm to Table: (December 28, 2025) LIVE
Miss Grand International All Stars announces rescheduling

Article Inside Page


Showbiz News

Mga Lihim ni Urduja


Patuloy na subaybayan ang misyon ni Gemma (Kylie Padilla) at ng Team Urduja sa paghahanap ng mga nawawalang hiyas ni Hara Urduja (Sanya Lopez).

Mga Kapuso, maraming salamat sa patuloy na pagtutok sa mega serye ng taon na Mga Lihim ni Urduja!

Nananatiling panalo sa TV ratings ang mythical primetime mega serye ng taon na Mga Lihim ni Urduja!

Sa tala ng NUTAM People Ratings (Nielsen Phils.TAM), nakakuha ng 9.0 TV ratings ang naturang action-adventure series noong Lunes, April 17.

Mas mataas ito kumpara sa mga katapat nitong programa sa ibang TV stations.

Ito rin ay patunay na talaga namang nakaabang ang mga manonood sa misyon ni Gemma (Kylie Padilla) at ng Team Urduja sa paghahanap ng mga nawawalang hiyas ni Hara Urduja (Sanya Lopez)!

A post shared by gmanetwork (@gmanetwork)

Tinutukan din ng mga Kapuso viewers ang muling pagsasagupaan ng dalawang makapangyarihang reyna na sina Hara Urduja (Sanya Lopez) at Khatun Khublun (Faith Da Silva) sa #UrdujaSidhi episode kagabi, April 18.

A post shared by GMA Drama (@gmadrama)

Samantala, sa susunod na episode ay malalaman na ng Team Urduja na kaunti na lamang ang oras na natitira para magawa nila ang kanilang misyon!

Mailigtas kaya nila ang Pilipinas? Magtagumpay kaya sila laban sa masamang plano ng Bounty Hunters?

Panoorin sa Mga Lihim ni Urduja, 8:00 p.m., sa GMA Telebabad.

TINGNAN ANG BEHIND-THE-SCENES PHOTOS MULA SA SET NG MGA LIHIM NI URDUJA SA GALLERY NA ITO: