
Isang linggo pa lamang ang nakalipas matapos magsimula ang mythical primetime mega serye na Mga Lihim ni Urduja pero isa na ito sa mga nangungunang programa sa telebisyon!
Muling nakakuha ng mataas na TV ratings ang naturang action-adventure series. Ayon sa tala ng NUTAM People Ratings (Nielsen Phils.TAM), nakakuha ng 12.1 TV ratings ang Mga Lihim ni Urduja noong Lunes, March 6.
Mas mataas ito kumpara sa mga katapat nitong programa sa ibang TV stations.
Samantala, tinutukan din ng mga manonood ang sagupaan nina Hara Urduja (Sanya Lopez) at Khatun Khublun (Faith Da Silva) sa episode kagabi, March 7.
Si Khatun Khublun ay isang reynang mandirigma mula Silangang Asya na nagsasagawa ng mga panggagaway.
Patuloy na subaybayan ang mega serye ng taon na Mga Lihim ni Urduja, 8:00 p.m., sa GMA Telebabad.
KILALANIN ANG CAST NG 'MGA LIHIM NI URDUJA' SA GALLERY NA ITO: