GMA Logo Sanya Lopez in Mga Lihim ni Urduja
What's on TV

'Mga Lihim ni Urduja' pilot episode No.1 trending topic sa Twitter!

By Abbygael Hilario
Published February 28, 2023 10:41 AM PHT
Updated February 28, 2023 8:13 PM PHT

Around GMA

Around GMA

TD Wilma speeds up, moves over Calbayog City
#WilmaPH moves north of E. Samar, over waters of Dolores
Netflix is buying Warner Bros.

Article Inside Page


Showbiz News

Sanya Lopez in Mga Lihim ni Urduja


Mga Kapuso, maraming salamat sa pagtutok sa pilot episode ng mythical primetime mega serye ng taon!

Nag-trend sa Twitter Philippines ang pilot episode ng pinakabagong action-adventure series na Mga Lihim ni Urduja na pinagbibidahan ng Jewels of Primetime na sina Kylie Padilla, Gabbi Garcia, at Sanya Lopez.

Pinag-usapan ng netizens ang bigating unang episode ng mega serye kung saan napanood ang intense fight scene nina Hara Urduja (Sanya Lopez) at Dayang Salaknib (Rochelle Pangilinan).

Napanood din sa unang pagkakataon ang paghaharap ng dalawang itinakda upang hanapin ang mga nawawalang hiyas ni Urduja na sina Gem (Kylie Padilla) at Crystal (Gabbi Garcia).

Sa dulo ng episode na ito ay ipinakita rin ang grupo ng bounty hunters na binubuo nina Vin Abrenica, Michelle Dee, Arra San Agustin, Kristoffer Martin, at Pancho Magno.

A post shared by gmanetwork (@gmanetwork)

Sa kasalukuyan, trending pa rin ang #MgaLihimNiUrduja na umani na ng halos 32,000 tweets.

Mga Lihim ni Urduja

Samantala, bukod sa napakagandang kuwento at casting, pinaulanan din ng papuri ng viewers ang cinematography, editing, set design at musical scoring ng naturang palabas.

Patuloy na subaybayan ang mythical primetime mega serye ng taon na Mga Lihim ni Urduja, Lunes hanggang Biyernes, 8:00 p.m., sa GMA Telebabad.

KILALANIN ANG CAST NG MGA LIHIM NI URDUJA SA GALLERY NA ITO: