GMA Logo Sanya Lopez in Mga Lihim ni Urduja
What's on TV

'Mga Lihim ni Urduja' trailer, pinag-usapan ng netizens!

By Abbygael Hilario
Published February 24, 2023 9:54 PM PHT
Updated February 24, 2023 10:00 PM PHT

Around GMA

Around GMA

5 cases from cruise ship confirmed as hantavirus, 3 suspected — WHO
Rising inflation alarms business owners in CDO
Jennylyn Mercado shares why a fresh-smelling home matters to her

Article Inside Page


Showbiz News

Sanya Lopez in Mga Lihim ni Urduja


Abangan ang world premiere ng mythical primetime mega serye ng taon na 'Mga Lihim ni Urduja,' sa Lunes, February 27.

Inilabas na ng GMA Network ang bigating trailer ng mythical primetime mega serye ng taon na Mga Lihim ni Urduja, kahapon February 23.

Pinaulanan ito ng samot-saring papuri ng netizens dahil sa pasabog na casting, kaabang-abang na kuwento, at pang-world-class na visuals.

Wala pang isang araw ay umabot na sa 620,000 ang views nito sa Facebook at 100,000 naman sa YouTube.

Trending din sa Twitter ang 'Urduja' na umani na ng daan-daang tweets!

Maraming netizens ang hindi na makapaghintay at excited nang mapanood ang Mga Lihim ni Urduja. May ilan na ikinumpara rin ang naturang mega serye sa Hollywood films.

Pinag-usapan din ng viewers kung paano binitawan ng mga cast ang kanilang mga linya lalo na ang pagsigaw ni Sanya Lopez ng "Para sa Tawalisi" bilang si Hara Urduja.

Ayon sa headwriter at concept creator nito na si Jojo Nones, hindi lang cast, visuals, at set ang pinaghandaan sa serye na ito. Sa tulong ng historical consultant na si Vic Villan, masusi at pinag-aralan din nilang mabuti ang bawat salitang maririnig mula sa mga karakter ng naturang programa.

Upang mas maramdaman ng mga manonood ang bawat eksena, gumamit sila ng mga salita mula sa panahong pre-kolonyal gaya na lamang ng "Para" na nagmula pa sa mga Persian, Turko, Griyego, at Austronesian.

Ani Prof. Villan, "Though hindi possible ang 100% sweep, kasi madalas, may conflicting sources ng etymology, nag-effort pa rin ang team sa likod ng serye na hanapin ang mas akmang mga salitang gagamitin."

SAMANTALA, KILALANIN ANG CAST NG 'MGA LIHIM NI URDUJA' SA GALLERY NA ITO: