
Patuloy na nakasubaybay ang viewers ng Abot-Kamay Na Pangarap sa mga ikinikilos ng mga manliligaw ni Doc Analyn, ang karakter ni Jillian Ward sa serye.
Isa sa mga ito ay si Reagan Tibayan, ang role ng 24-year-old Sparkle star na si Jeff Moses.
Isa rin sa mga nagkakagusto kay Doc Analyn ay si Doc Lyndon Javier, ang karakter naman ni Ken Chan sa medical drama series.
Kamakailan lang, isang video ang ibinahagi ni Jeff sa kanyang Facebook account, kung saan magkasama sila ni Ken.
Nasa likod naman ng dalawa si Harry (Raheel Bhyria) na nakikisali rin sa asaran.
Ang video ay inilarawan ni Jeff na “normal taping day” sa set ng GMA Afternoon Prime na Abot-Kamay Na Pangarap.
Sa naturang video, mapapanood na habang nagbabasa ng script si Ken ay bigla na lamang siyang ginulo ni Jeff.
Dahil ayaw tigilan ni Jeff ang makulit na pang-iistorbo nito sa kanya, ginantihan na lang niya ang una.
Kapansin-pansin na pati off cam ay nag-aasaran sila bukod pa sa mga eksena nila sa serye na laging nagtatalo dahil sa kanya-kanya nilang pagpapansin kay Doc Analyn.
Samantala, silipin ang susunod na mga kaganapan sa buhay ng mag-inang Lyneth (Carmina Villarroel) at Doc Analyn sa video na ito:
Patuloy na tumutok sa Abot-Kamay Na Pangarap, mapapanood tuwing Lunes hanggang Sabado, 2:30 p.m., sa GMA Afternoon Prime.
Maaari ring mapanood ang programa online via Kapuso Stream.
Maaaring balikan ang iba pang episodes ng serye rito: