
Marami ang natuwa sa balitang magkakaroon ng sequel ang top-rated primetime show ng GMA na First Yaya na pinagbibidahan nina Sanya Lopez at Gabby Concepcion.
Inanunsyo na kasi nina Sanya at Gabby na magsisimula na ang kanilang taping sa susunod na buwan.
Dahil magkakaroon ng sequel ang First Yaya, hindi lang ang mga manonood nito ang natuwa dahil pati ang mga kapwa artista nina Sanya at Gabby ay naging masaya.
Hindi pa man nagsisimula ang kampanya ng karakter ni Gabby na si President Glenn Acosta, may hashtag na agad silang naisip, #PGAFor2022.
Ano kaya ang mangyayari ngayong First Lady na si Melody?
Abangan ang ikalawang season ng First Yaya sa GMA Telebabad sa 2022.
Samantala, balikan muna ang naging kasal nina Melody Reyes at President Glenn Acosta sa mga larawang ito: