GMA Logo Alden Richards and Tom Rodriguez in The World Between Us
What's on TV

Mga manonood ng 'The World Between Us,' nainis kay Brian dahil sa pambubugbog nito kina Louie, at Edison

By Aaron Brennt Eusebio
Published July 28, 2021 7:36 PM PHT
Updated July 29, 2021 12:36 PM PHT

Around GMA

Around GMA

Robots dance, clean, and rescue toy cats at expo in Japan
Dawn Zulueta opens up on navigating menopause with grace and confidence
Torres game-winner saves Benilde, forces semis do-or-die versus SBUĀ 

Article Inside Page


Showbiz News

Alden Richards and Tom Rodriguez in The World Between Us


"Susumbong ko na talaga 'to si Tom Rodriguez kay Carla Abellana!"

Inis na inis ang mga manonood ng The World Between Us sa karakter ni Tom Rodriguez na si Brian.

Sa episode kagabi, July 27, binugbog ni Brian si Louie, ang karakter ni Alden Richards, at ang kaibigan nitong si Edison (Jericho Arceo).

Sa Twitter, marami ang nainis sa ginawa ni Brian kina Louie at Edison ngunit marami ang humanga sa galing nina Tom at Alden sa pagganap sa kani-kanilang mga karakter.

Komento ng isa, "Itong si Brian, may anger management issues. Dapat sa kanya mag-therapy."

Ang isa naman ay hindi nakapagpigil na isumbong si Tom sa kanyang fiancée na si Carla Abellana.

Bukod kina Tom at Alden, umani rin ng papuri si Jericho Arceo, ang gumaganap na Edison.

Tweet ng isang manonood, "Si Jericho Arceo galing din eh. Kahit baguhan pa lang."

Pero sa totoong buhay, magkakaibigan sina Tom, Alden, at Jericho at makikita 'yan sa behind-the-scenes video na ibinahagi ng GMA Drama sa Facebook.

Mapapanood ang The World Between Us, Lunes hanggang Biyernes, sa GMA Telebabad pagkatapos ng 24 Oras.