
Araw-araw ay parang Valentine's Day sa nakakakilig na lakorn o Thai series na U Prince.
Tampok dito ang mga mala-prinsipeng hotties mula sa iba't ibang college courses sa isang fictional university.
Abangan ang hot and cold na relationship ng pilotong si Hawk (Jirakit Thawornwong) and ng spoiled heiress na si Aurora (Zuvapit Traipornworakit).
Medyo fantasy naman ang dating ng kuwento ni Sophie (Sananthachat Thanapatpisal) na nakipagkasundo sa god of death para makilala ang guwapong communication arts student na si Kayden (Nawat Phumphothingam).
Opposites attract naman ang galawan ng extrovert humanities student na si Kevin (Chonlathorn Kongyingyong) at ang shy transfer student na si Pinky (Jannine Weigel).
Aso at pusa naman ang seryosong abogadong si Fabian (Vachiravit Paisarnkulwong) at ang rich girl na biglang humirap na si Megan (Lapisara Intarasut).
Fake relationship naman ang simula ng kuwento ni Mel (Note Panayanggool) at ng rocker na si Billy (Kunchanuj Kengkarnka).
Paano nga ba tatanggapin ng fashionistang si Cherry (Lapassalan Jiravechsoontornkul) na ikakasal na ang crush niyang political science major na si Ethan (Thanat Lowkhunsombat)?
Tila Romeo and Juliet naman ang kuwento nina Brian (Chutavuth Pattarakampol) at Malou (Worranit Thawornwong), mga anak ng rival mafia bosses.
Subaybayan ang mga nakakakilig na kuwento sa U Prince, every Sunday simula February 23, 9:00 pm sa GMA News TV.