GMA Logo KMJS pares
Source: gmapublicaffairs/YT
What's Hot

Mga negosyong paresan, kumikita ng hanggang Php100,000 kada araw!

By Kristian Eric Javier
Published May 8, 2024 4:56 PM PHT

Around GMA

Around GMA

Alex Eala’s clay-court swing: Upcoming tournaments, schedule, and season recap
Healers, herbalists gather in Siquijor anew for healing festival
How the latest smartphones are embracing the beauty of the unfiltered journey

Article Inside Page


Showbiz News

KMJS pares


Gaano na nga ba kasikat ang mga paresan ngayon?

Isa sa mga pinakatinatangkilik ngayon na pagkain ng foodies ay pares--beef stew na pinaresan ng sinangag at soup. Kaya naman, dumami rin ang pumasok sa ganitong negosyo.

Sa sobrang lakas at sikat ng ilang mga paresan, ang ilan sa kanila ay kumikita na ng hanggang Php100,000 kada araw.

Nitong Linggo sa Kapuso Mo, Jessica Soho, nakapanayam nila ang mga negosyante ng ilang sikat na paresan sa Manila. Isa na rito ang may-ari ng Engkanto Pares na si Juliet Nabor.

Paliwanag niya sa pangalan ng kaniyang paresan, “Nasa ilalim ka ng puno ng mangga tapos may umuusok-usok, Engkanto na lang para mas maganda.”

Dating domestic helper si Juliet sa Kuwait bago siya nagdesisyong umuwi sa Pilipinas. Taong 2015 naman nang una siyang magtayo ng paresan ngunit dahil wala siyang permit noon ay kinailangan niyang magsara.

“'Pag nag-clearing, wala po kaming magawa. Lahat ng maabutan nilang gamit namin, matatangay,” sabi niya.

Kalaunan ay nakakuha na siya ng mas maayos na puwesto kaya lang, dito, nakatapat niya ang sikat ngayon na paresan ni Diwata. Ayon kay Juliet, gaya ng sa pelikula ay nilampaso siya ng kaniyang katapat.

“Dumating sa point na kami ng tao ko, 'Halika, kain tayo sa harap.' Para 'pag may nakakitang dumadaan, maengganyo sila,” sabi niya.

Ngunit ang pagkakatapat niya kay Diwata ay nagkaroon din naman ng magandang kapalit dahil ang mga customer nitong naiinip sa pila ay napupunta sa kanila.

“Ang katwiran ng mga tumatawid sa akin, sa sobrang haba ng pila, hindi na makapaghintay. Kung ano 'yung mapupunta sa akin sa ulo ng pila niya, accept ko,” Ani Juliet.

BALIKAN ANG CELEBRITIES NA NAGSIMULA NG FOOD BUSINESSES NOONG QUARANTINE SA GALLERY NA ITO:

Naging malaking tulong din umano sa kanila nang bumisita ang food vlogger na si Gepoy Tuason. Aniya, katatapos lang nila noon kumain sa paresan ni Diwata nang makita nila ang Engkanto Pares.

“After po namin kumain kay Diwata, nakita po kasi namin na walang kumakain so ayun, tumalon po kami dun sa isle. Pagtanong namin, same price, 100 pesos,” sabi niya.

Hindi nagtagal ay nagsimula na ring dumugin ng mga tao ang paresan ni Juliet at mula sa Php6,000 na kinikita nila araw-araw, umaabot na sila sa hanggang Php12,000.

Sa ngayon, sinisigurado umano ni Juliet na nag-iipon na siya ngayon, “Dahil nga naranasan ko na mag zero. Hindi ko na magagawang iwanan 'yung mga anak ko para lang mag-abroad ulit ako.”

Isang paresan din ang nagsimulang makilala dahil sa kanilang classic at overload na pares, ang Mr Pares nina Neil Jude Cruz at Keith Lemuel Dela Pena.

Ayon kay Neil, ay mahilig talaga silang kumain ng pares at dumadayo pa sila kung saan-saan para masubukan ang mga trending na paresan.

Dahil nag-aral naman si Keith ng culinary at nagtrabaho bilang kusinero sa Italy, naisipan nila ni Jude na na magtayo ng sarili nilang paresan.

Kuwento ni Keith, “Naging illegal vendor. Pagdating po namin sa pupuwestuhan namin, may mga naka-abang na pong magpapaalis sa amin.”

Dahil dito, napagdesisyunan nilang kumuha na ng sariling puwesto. Naging malaking tulong din ang pagpunta ng food vlogger na si Ka Foodtrip para lalong lumakas ang kanilang negosyo.

Sabi ni Ka Foodtrip, “As a food vlogger po, ang main goal talaga namin is tumulong po na ma-promote po 'yung mga business na mahihina po talaga.”

Dahil dito, mula sa Php1,000 - Php2,000 na kita kada araw ay umaabot na ito ng hanggang six digits. Malaki rin ang pasasalamat nila dahil nabigyan nila ang 70 empleyado nila ng trabaho.

“Masya po kami na marami kaming natulungang tao sa mga empleyado namin,” sabi ni Jude.

Panoorin ang buong segment dito: