
Isang weekend lang na walang sayawan, tila hinahanap hanap na ng netizens ang bago nilang paboritong dance show na Stars on the Floor.
Sa Facebook, hindi napigilan ng netizens na malungkot sa hindi pag-ere ng dance show noong Sabado, July 12.
Narito ang ilan sa kanilang mga reaksyon:
Samantala, tila nabuhayan muli ang netizens nang ilabas ang teaser para sa ikatlong linggo ng Stars on the Floor.
Nagkaroon ng pahinga ang Stars on the Floor dahil in-ere ang Beyond75: The GMA Anniversary Special sa timeslot ng dance show bilang bahagi ng selebrasyon ng 75th anniversary ng network.
Mapapanood muli ang paborito niyong dance stars sa mas matinding salpukan ngayong Sabado, July 19.
Patuloy na tutukan ang Stars on the Floor tuwing Sabado, 7:15 p.m. sa GMA.
Panoorin dito ang 3rd week teaser ng Stars on the Floor:
Samantala, balikan muna dito ang epic pilot episode ng Stars on the Floor: