What's on TV

Mga payo ni Vice Ganda sa 'EXpecially For You,' pinag-usapan ng netizens

By Kristine Kang
Published April 18, 2024 7:11 PM PHT

Around GMA

Around GMA

PCIJ: ‘Allocable’ for solons in Iloilo City, province reaches P4.3B
DOJ Usec. Jojo Cadiz, nagbitiw sa puwesto sa gitna ng alegasyon sa flood control
GMA Pinoy TV wins big at the Anak TV Seal Awards 2025!

Article Inside Page


Showbiz News

Vice Ganda


Alamin ang mga sinabi ni Vice Ganda at ang mga reaksyon ng viewers dito.

Usap-usapan online ang mga life advice ni Vice Ganda sa noontime show na It's Showtime noong April 17.

Sa patok nitong segment na "EXpecially For You," seryosong nagbitaw ng mga payo si Vice para sa dalawang guest noong araw na iyon.

Isa na rito ay tungkol sa pagtrato sa toxic friends at pagpapahalaga sa mga taong mahal natin sa buhay.

Ayon sa comedian-host, dapat maging matatag at magkaroon ng kamalayan sa mga maling ginagawa natin para iwasang masaktan ang mga taong mahal natin sa buhay.

Nagbitaw rin ng opinyon si Vice tungkol sa mga taong naninira ng relasyon.

Sabi niya, "Imagine n'yo kung gaano kadaming magagandang bagay, samahan, at relasyon ang winawasak ng ingay na ginagawa nung mga nasa labas. Kung pinatili n'yo silang dalawa na sila lang, magiging okay sila e. kung hinahayaan na lang natin 'yung mga tao na magmahalan lang."

Dagdag rin ni Vice, "Hindi naman lahat malakas agad. May mga fragile, may mga sobrang vulnerable na hindi kinakaya yung mga sinasabi ninyo."

Mas natuwa ang netizens sa sinabi ng Unkabogable Star tungkol sa insecurities ng ex na si Marila.

"Huwag mo i-down ang sarili mo. Uso 'yung laro ay ganda-gandahan. Kailangan in-game ka sa ganda-gandahan."

Sinabi rin niya, "Kung ipinagkakait nila sa iyo ang pagmamahal, ikaw mismo, ibigay sa sarili mo."

Sa comments section ng social media posts ng It's Showtime at GMA Network, mababasa ang ilang reaksyon ng netizens sa sinabi ng host. Marami rin ang nagbigay ng magaganda at supportive messages para kay Marila.

photo by: It's Showtime and GMA Network FB

Sa kasalukuyan, may higit 11,000 at 3,000 views na ang dalawang videos ng naturang segment sa GMA YouTube channel.

Mapapanood ang programang It's Showtime tuwing Lunes hanggang Sabado, 12 noon, sa GMA, GTV, at iba pang Kapuso platforms.